Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 47:Khalid and Gerlies’s story



NAKAPANGALUMBABA si Gerlie sa harap ng lamesa habang tinititigan ang kapatid na maganang kumakain.

"Hindi ka pa ba papasok, Ate?" boses ngungo na tanong ni Chim sa kapatid dahil puno ng pagkain ang bibig nito. "Huwag ka ngang magsalita na puno ang bibig mo!"

"Bakit ang init ng ulo mo?" Nakasimangot na tanong nito sa kapatid. "Nagmana lang naman ako sa iyo ah!" pangatwiran pa nito sa kapatid.

"Kumain ka na nga lang at huwag mo akong pansinin!" Tinuktokan niya ng kutsara sa ulo ang kapatid na madaldal. Tama naman ito, nagmana lang ito sa kanya dahil ganoon din ang gawi niya lalo na kung sila lang dalawa ang magkaharap. "Aray! May regla ka ba, Ate?" Kakamot-kamot sa ulo na tanong nito sa kapatid.

"Kapag mainit ang ulo, may regla agad? Hindi ba pwedeng nawalan lang ng trabaho kung kaya maiinit ang ulo?" Nandidilat ang mga mata na anito sa kapatid na kinse anyos lamang.

"Ayon!"pumitik sa hangin si Chim, "hulaan ko, maling direksyon na naman ang naituro mo sa tinu-tour mo? Ang sabi ko naman sa iyo, ate, matanda ka na kaya ka ulyanin. Dapat sa iyo ay mag-asawa na." Mahabang pahayag ng dalagita habang patuloy sa pagkain.

Mabilis na tumayo si Gerlie at walang salitang iniwan ang kapatid. Pagbalik ay hawak na niya ang malaki at mahabang sandok na gamit niya noon sa pagluluto sa talyasi o malaking kawali.

"Ate, sabi ko nga po bata ka pa, hindi ka na mabiro!" Bitbit ang plato na lumayo si Chim sa lamesa nang makita ang galit na mukha ng kapatid.

"Salbahe kang bata ka! Halika dito nang makita mo kung gaano na ako ka tanda!" Winasiwas niya ang hawak na sandok sa harap ng kapatid. "Aray! Na tatae ako ate, pakihawak po ng plato!"

Nabitawan ni Gerlie ang hawak na sandok upang masalo niya ang plato na pa itsang inabot sa kanya ng kapatid. Naisahan na naman siya nito at nakatakas sa kaniyang parusa.

"Humanda ka talaga sa akin mamaya!" Nanggigil niyang sigaw nang makapasok na sa toilet ang kapatid. Narinig pa niya na tumawa ito at nilakasan ang pag-ere kunwari.

Alam naman niya na drama lang niyon ang pagpasok sa palikuran. Nang mahimasmasan siya ay napapailing na rin siya habang nakangiti. Mahal na mahal niya ang kaisa-isang kapatid. Labindalawang taon ang tanda niya sa kapatid. Nasa edad seventeen siya nang sabay na namatay ang kanilang magulang dahil nabangga ang jeep na sinasakyan ng mga ito. Kaka-graduate niya lang noon sa high school at halos wala pang isip ang kapatid. Kinupkop sila ng mga kamag-anak ngunit minamaltrato kung kaya napilitan siyang magtrabaho sa murang edad at itaguyod mag-isa ang kapatid sa pag-aaral nito.

Lahat ng trabaho ay pinapasok na ni Gerlie kahit katulong. Nangibang bansa rin siya nang tumuntong sa edad na bente tres ngunit minalas siya at napapunta sa masama ang ugali. Nang makauwi siya, treat niya ang kapatid ng bakasyon sa Boracay at doon na rin naghanap ng trabaho. Ngunit sadyang malas siya sa trabaho dahil ilang buwan lang itinatagal niya sa bawat trabaho. Kung hindi dahil sa namali siya na madalas nangyayari ay napapaaway naman siya sa mga katrabaho. Siya kasi ang tipo na hindi magpapatalo hangga't alam niyang tama siya. Napapaaway siya dahil napagseselosan kahit hindi naman niya pinapatos dahil wala siyang time sa lalaki. Priority niya ang kapatid at gustong mapaaral ito sa kolehiyo. Kahit hindi ganoon kagaling sa english, nakikipag-usap siya sa mga dayuhan bilang tour guide. Kahit walang tinapos ay tinatanggap siya dahil sa taglay niyang kagandahan at sipag. May ipon siya kahit papaano kung kaya ok lang na mawalan siya pansamantala ng trabaho. Inaalala niya ay malapit na ang pasukan muli at naupa lang din sila ng bahay roon.

"Ate, huwag ka nang malungkot!"

Napangiti siya nang yakapin siya ng kapatid mula sa likuran. "Naghugas ka ba ng kamay?" kunwari ay galit pa rin siya dito.

"Oo naman, ate, ayaw kong magkasakit kung kaya dapat laging malinis." Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa kapatid. Kahit pasaway siya, hindi niya binibigyan ng sakit ng ulo ito. Nag-aaral siyang mabuti para suklian ang sakripisyo nito para sa kanya. Kahit palipat-lipat sila ng lugar ay ok lang sa kanya basta magkasama silang magkapatid.

TINAWAGAN ni Zoe si Lyca at pinahanap ng lalaking tutor para sa mga kaibigan. Naiinggit ang mga ito sa kaniya dahil magaling na siya magsalita ng tagalog. Wala sanang problema kung walang alergy si Khalid sa babaeng makasama sa iisang bubong lamang. Hindi niya ito masisi dahil kamuntikan na ito mapikot ng katulong ng mga ito noon.

Muling naungkat ang nangyari kay Khalid noon at pinagtatawanan pa rin siya ng mga kaibigan. Dahil sa kamanyakan niya, pati katulong ng ina noon ay nagalaw niya at nabuntis. Pero alam niyang hindi siya ang ama na siyang pinilit sa kaniya ng babae. Kahit sino ang nakasiping ay naging maingat siya at hindi na rin naman virgin nang makuha niya ang katulong.

"Ang mabuti pa ay umalis na kayo, nagigising ang anak ko dahil sa ingay ninyo." Pagtataboy ni Zoe sa tatlong kaibigan na patuloy sa pang-aasar kay Khalid.

Paglabas nilang tatlo ay may nakasalubong silang babaeng nurse. Hindi napigilan ang sarili na sulyapan ang kabuuan ng babae na halatang kinilig sa kaniyang ginawa.

Tinapik ni Xander sa balikat ang kaibigan. "Wala talagang nakakaligtas na babae sa iyong mga mata," anito gamit ang salitang banyaga.

"Sundan mo nang maturukan ka ng injection." Tumatawa na tinulak ni Troy si Khali. Hindi sila naiintindihan ng babaeng nakasalubong dahil gamit nila ang sariling lengwahe.

Sinipa ni Khalid sa paa ang kaibigan nang mapalakas ang tulak nito sa kanya. Lahat ng nakakakita sa kanila ay napapatingin at napapalingon.

"Ang po-pogi!" rinig pa ni Khalid na sambit ng isang babae. Kinidatan niya ito dahil naintindihan niya kung ano ang sinabi nito.

"Flirt pa more, Dude!"

Sabay na tumawa sina Khalid at Xander dahil ginaya ni Troy ang bukambibig ng mga Pinoy.

"Bakit ayaw mo pang mag-asawa, Bro? Nang sa ganoon ay may katabi ka palagi sa gabi." Biro ni Troy kay Khalid dahil sa kanilang lahat ay ito ang hindi nawawalan ng babae ngunit paiba-iba.

"Seryoso ka sa mungkahi mong iyan, Bro?" Lalong natawa si Khalid sa payo ng kaibigan.

"Kapag iyang puso mong mapaglaro ay nahuli ni kupido, tatawa talaga ako."

Lalo lamang natawa si Khalid sa matalinhagang salita ni Troy. Iisa lamang ang sasakyang gamit nila ngayon at pauwi na sila sa kanilang bachelor pad.

"Pagdating ng araw na iyan, sigurado akong hindi madaling pagsubok sa pag-ibig ang ibibigay sa kaniya."

Naging malutong ang tawa ni Khalid at hindi makapaniwalang napatingin kay Xander na siyang nagsalita. Sa kanilang magkakaibigan ay ito ang matatawag na pinaka matino pagdating sa babae. Iyon nga lang, kung sino pa ang matino ay siyang nakakaranas nang mapaglarong tadhana sa pag-ibig.

"It will not happen!" Kompyansang sagot ni Khalid sa mga kaibigan.

"We'll see!" magkapanabay na sagot nila Troy and Xander.

Pumapalatak na napailing si Khalid sa dalawa. Kapag silang magkakaibigan lang nag-uusap minsan ay parang mga taong kanto lang kung mag-usap. Lalo na si Troy na pinakamaingay sa kanilang lahat.

...

TUWANG-TUWA si Lucy matapos makausap ang amo na hanggang ngayon ay tutor pa rin nito. Ang kaibigan agad ang kaniyang naisip na erekuminda dahil kailangan nito ng trabaho. "Gerlilalo!" sigaw ni Lyca mula sa kabilang linya nang sagutin ni Gerlie ang tawag niya.

Nailayo ni Gerlie ang hawak na cellphone sa kanyang taenga dahil sa lakas ng boses ng kaibigan. "Kung maka sigaw ka naman, may sunog ba?" Nakasimangot na sagot niya sa kaibigan.

"Girl, may trabaho ka na!" mataas pa rin ang timbre ng boses nito dahil sa galak na nararamdaman para sa kaibigan.

"Gaga, tingga pa rin ako hanggang ngayon!" asar na sagot ni Gerlie sa kaibigan. Kahit hindi nakikita ng kaibigan ay sumimangot si Gerlie. Hindi pa nga siya naka move sa kapatid, nagsigunda naman agad ito.noveldrama

"Alam mo, girl, ang ganda mo talaga! Kaso bakit ang slow mo?" Nakasimangot na rin si Lyca at kung nasa harapan lang ang kaibigan ay nakutusan na niya ito.

"May tinatanong ka ba?" Kumakamot sa ulo na tanong niya sa kaibigan. Aminado naman siya na may pagka slow siya minsan lalo na kapag problimado.

"Ang sabi ko ay may trabaho ka na kung kaya bumalik na kayo dito sa lungsod ng iyong kapatid na makulit."

"Huh, paano ako nagkaroon ng trabaho riyan? Wala naman akong inaplayang trabaho?" nagugulohan niyang tanong muli sa kaibigan. Minsan ay kasalanan din ng kaibigan kung bakit siya slow makipag usap dito. Bigla na lang kasi isisingit ang topic na wala naman siyang idea.

"Wala ka bang bilib sa akin?" nagkunwaring nagtatampo si Lyca.

"Huwag ka nang magdrama at hindi bagay sa iyo." Nakaingos na sita ni Gerlie sa kaibigan.

Napairap si Lyca sa hawak na cellphone bago nagpaliwanag sa kaibigan. "Naghahanap ang kaibigan ng boss ko ng private tutor. Alam mo naman kung gaano kabigatin ang mga ito."

"Sa tingin mo ay papasa ako sa trabahong iyan?" nabawasan ang galak na naramdaman ni Gerlie. Nakakaintindi siya ng english at nakakapag salita pero hindi tuwid at minsan ay kinalabaw pa ang kanyang english.

"Kailan ka pa pinaghinaan ng loob? Pagiging make-up artist nga ng patay, hindi ka natakot o pinanghinaan ng loob." Sarkastikong sermon ni Lyca dito.

Napairap si Gerlie kahit na hindi siya nakikita ng kaibigan. "Isang beses lang iyon noh at hindi na naulit."

Natawa si Lyca sa kaibigan. Naalala niya ang pangyayari na iyon, pikit mata na pininturahan ng kaibigan ang mukha ng bangkay kung kaya napatalsik agad sa trabaho ng araw ding iyon. lalong napaiyak ang pamilya ng bangkay nang makita ang mukha nito. Paano hindi mapaiyak? Patay na nga, lalong pinatay ng kaibigan ang mukha dahil sobrang puti ng mukha at mukhang pinaglaruan ng maligno ang bangkay.

"Basta lumuwas ka ngayon din dito upang madetelyado ko sa iyo ang lahat. Tuturuan din kita sa mga dapat mong gawin." Hindi na niya binigyan ng ibang choice ang kaibigan. Sumang-ayon na lamang ang dalaga sa kaibigan dahil kailangan niya ng trabaho. Wala na rin siyang ma aplayan sa Boracay dahil kilala na siya doon bilang isang palpak na empleyada.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.