Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 4: Hinala sa pagkatao



"ANO ang kinain mo at biglang bumalik sa dati ang pangangatawan mo?" pabirong tanong ni Yosef kay Blue nang magkita sila muli nang gabing iyon. "Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot ang noo na tanong ng dalaga.

May pagtataka na tinitigan ni Yosef ang kaharap. Parang may mali dito na hindi niya matukoy. Ganoon pa rin naman ang mukha pero mukhang tumapang? Hindi pa ito tumawa sa kanyang birong totoo. Maging ang boses ay parang may mali rin.

"Kahapon lang tayo nagkita at alam mong napuna ko rin ang iyong pangangatawan." Hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalaga. Iwan ba niya pero parang na magnet ang kanyang mata sa mukha nito ngayon. Tila lalong gumanda sa kanyang paningin at nagustuhan niya ang katarayang taglay ng aura nito ngayon.

"Payat ba talaga ako kahapon?" Nanlalim ang mga mata na tumitig sa kaharap. Naiinis si Marie dito pero kailangan niya itong kausapin para sa kapatid. Bigla din siyang nag-alala sa kaalamang nangayat ang kapatid nang hindi niya alam. "Ano ba ang nangyari sa iyo at parang nagka-amnesia ka?" Tumawa ng pagak ang binata.

"Ha? Ahm pasensya na at lasing na yata ako." Umiwas ng tingin dito si Divine Joy.

Nangunot ang noo ni Yosef nang mapatingin sa baso ng dalaga. Nauna ito roon kung kaya naisip niya na napatagay na nga ito. Ngunit hindi alak ang laman ng baso nito kundi lemon juice. "Nakakalasing na pala ngayon ang juice?" Nakangisi na kumento ni Yosef.

Namula nang bahagya ang pisngi ng dalaga dahil nabuko na nagsisinungaling siya. Hindi niya alam kung ano ang lasa ng alak at ayaw niyang subukan dahil sa amoy pa lang ay nahihilo na siya. Naamoy niya kanina ang unang serve sa kanya ng bartender at hindi niya nagustoha. Hindi niya akalain na kilala ng bartender ang kapatid niya sa pangalang blue.

"May sakit kasi ako kung kaya hindi ako pwedeng uminum mg alak." Pilit ang ngiti na paliwang ng dalaga sa kaharap.

"May mali talaga!" bulong ni Yosef sa sarili nang ngumiti ang kaharap. Parang gusto na niya ngayon na laging nakangiti ang dalaga sa kanya.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Joy nang mapansin na nakatitig sa kanya ang binata.

"Bakit lalo ka yatang gumanda?" wala sa loob na naisatinig ni Yosef ang nasa isip.

"Diyan mo ba nakukuha sa matamis mong salita ang mga babae mo?" Sa halip na kiligin ay nakaramdam ng panibugho si Joy.

"Hindi ko na kailangan magbitaw ng mabulaklak na salita sa mga babaing dumaan sa buhay ko." Tugon ng binata at inisang lagok ang laman ng kopitang hawak. Naroon sila ngayon sa isang table lang dahil ayaw nitong pumasok sa isang private room.

"Ang yabang!" naibulong ni Joy.

Mula sa isang sulok ay naroon si Marie at masaya na pinapanood ang dalawa. Totoo na may gusto siya sa binata pero hindi ganoon kalalim. Mas malaki ang kanyang pagnanais na ang dalawa ang magkatuluyan. Hindi alam ng binata na magkakilala na sila noong bata pa bago pa man ito nanirahan sa ibang bansa upang doon magpatuloy sa pag-aaral. Ninang nito ang ina niyang umampon sa kaniya kung kaya alam niya na mabuting tao ito kahit na babaero. Iba ang kulay ng damit na suot niya ngayon at naka disguise rin upang walang makakilala sa kaniya.

"Try this, pina mix ko ang lemon juice upang hindi matapang at nakakabuti din iyan para maalis iyang trangkaso mo." Iniabot ni Yosef ang isang kopita sa dalaga. "Ayaw ko!" Halos mabali na ang leeg nito sa pag-iling.

"Ikaw ba talaga iyan, Blue?" Nang-aarok ang tingin ng binata sa dalaga.

"Akin na nga!" kinabahan si Joy na baka tuluyan siyang mabuko ng binata. Ayaw niyang magtampo sa kanya ang kapatid.

"Hindi ganyan ang pag-inum." Salubong ang mga kilay na inagaw sa kamay ng dalaga ang baso at hinagod ang likod nito nang sunod-sunod na inubo ito. "Ang sama ng lasa!" Tuloy-tuloy ang pag-ubo na reklamo ng dalaga.

Napailing na tinignan ito ni Yosef. Alam niyang mahina uminum ang dalaga ng alak pero sa inaakto nito ngayon ay tila ngayon lang ito nakatikim ng alak. Parang pamilyar sa kanya ang pagsimangot ng mukha ng dalaga at boses ngunit hindi mahagilap sa isip kung kailan at saan niya iyon narinig o nakita ang ganoong ngiti. "Lasing na yata ako at kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isip."

Dinig ni Joy na wika ng binata. Kinabahan siya na baka nahahalata na talaga nito na isa siyang impostor.

"Uuwi na ako," nagmamadali na tumayo si Joy at nagpaalam sa binata. Ayaw niyang tumagal pa at baka makilala na siya nito.

Nagpaiwan si Yosef at pinagpatuloy ang pag-inum na mag-isa. May lumalapit sa kanya na mga babae ngunit maginoong tinatanggihan ang mga ito. Nawalan siya ng gana sa ibang babae ngayon dahil okupado ni Blue ang buong isip. Kinabukasan ay tanghali na siya pumasok za opisina. Bilang CEO ay hawak niya ang kaniyang oras sa trabaho. Ngunit ngayon lang siya tinanghali ng pasok dahil sa nangyari kagabi na nagpagulo sa kaniyang isipan hanggang ngayon. "Good morning, Sir!" bati ng ilang empleyado kay Yosef sa entrance pa lang ng kompanya. Tumango lang siya at tumuloy sa kanyang opisina. Bago pa man marating ang opisina ay nadaanan niya ang kanyang manang na secretary. Inaasahan niyang babati rin ito sa kanya ngunit tumingin lang ito sa gawi niya at tinuon muli ang tingin sa harap ng computer.

"Ganyan na ba ngayon kung tratuhin ng tauhan ang kanyang boss?" may kalakasan na tanong ni Yosef sa babae. Hindi niya alam kung bakit biglang umiinit ang kanyang ulo kapag ganoon ang inaasta ng secretary. Dalawang buwan na rin nagbago ang ugali nito na hayagan ang pagkadisgusto sa kanya. Kung hindi lang dahil sa ninang niya na nagrekominda dito ay baka sinisante na niya ito.

"Good morning po, Sir, may babae pong naghihintay sa inyo sa loob ng opisina mo." Tila napilitan lamang ito na bumati sa kanya at may diin sa bawat kataga na binitiwan.

Biglang nasapo ni Yosef ang noo pagkarinig sa tinig ng dalaga. Pilit iniisip kung sino ang ka boses nito.

"Babaero na lasinggo pa!" ani Divine sa mahinang tinig lamang.

"What did you say?" salubong ang mga kilay na tanong ni Yosef.

"Wala po, Sir, kanina pa naghihintay ang bisita mo." Hindi namalayan ni Joy na tumikwas ang gilid ng itaas ng labi niya.

Pinukol ni Yosef nang nagbabantang tingin ang dalaga bago ito tinalikuran.

"Ano ba ang nagustuhan mo Marie sa lalaking ito? Lahat na yata ng hindi magandang ugali ay nasa kanya!" palatak na wika ni Joy sa kawalan. Napataas pa ang dalawa niyang kilay nang wala pang isang minuto ay lumabas ang sexy na babae sa opisina ni Yosef.

"Himala, walang ahhh ohhh yeahh naganap?"

"Hindi ako ganoon kahayok sa laman para isipin mo na lahat ng pumapasok sa loob ay kinakanti ko!"

"Ay kabayo!" Gulat na napalingon si Divine Joy sa amo na nasa kanyang likuran na pala.

"Ikaw lang nag-iisip niyan sir ah!" hindi alam ni Joy kung ano ang dapat gawin nang makita ang galit sa mukha ng huli.

"Huwag na mag-deny dahil narinig ko iyon!"

"Eh kasi naman Sir, sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito ay puro babae na ang nakikita kong tinatrabaho mo sa loob." Walang preno na tugon ni Joy. Gusto niyang pagsabihan ito para sa kapatid.

"So naninilip ka kung gaoon?" Turo niya sa maliit na binatana habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalaga.

"Kahit hindi ako sumilip, naririnig ko naman, Sir." Pagkaila ng dalaga, ayaw niyang malaman nito na minsan siya sumilip dahil nakakahiya.

Ang kaseryusohan sa mukha ni Yosef ay biglang nagbago habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi dapat siya ang nagagalit dito o napipikon.

"Ano kaya kung ikaw naman amg trabahuhin ko?" puno ng kapilyohan na tanong ni Yosef sa manang na secretary. Gusto lamang niyang subukan kung tumatalab din ba ang kanyamg karisma sa isang tulad nito na parang madre umasta minsan.

"Bastos! Tamaan ka sana ng kidlat! naeskandalong tugon nito.

Tumawa ng malakas si Yosef sa naging reaksiyon ng dalaga. " pustahan, wala ka pa naging first kiss noh?" mapang-asar na tanong ni Yosef.

"Its none of your business!" asik ni Joy sa binata. Halos hindi na niya nakikilala ang sarili ngayon dahil nawawala na ang pagiging mahinahon kapag kaharap ang binata. Nakakapagbitaw na rin siya nang hindi magandang salita minsan dahil dito.

"Ang bata mo pa pero manang na manang ka na kung umasta." Palatak ni Yosef at iniwan na ito.novelbin

Nakahinga ng maluwag si Joy nang wala na sa harapan ang antipatiko niyang amo. Nagkakaroon talaga siya ng kasalanan dahil sa lalaking ito.

"Bumalik ka na Marie, please!" nakapikit ang mga mata na bulong niya sa isip lamang. Ayaw na niyang tumagal pa dito dahil lumalaki lamang ang kasalanan ng kanyang isip at bibig.

"Ate isang buwan pa please." Pakiusap ni Marie sa kapatid nang muling makausap sa telepono. Gusto na umano nitong bumalik ng kumbento dahil doon ang tunay na tahanan nito.

"Isang buwan, pagkatapos niyan ay wala nang hirit pa." Pabuntonghininga na wika ni Joy.

Yes Ate, thank you po!"

Napangiti na rin si Joy dahil bakas sa boses ng kapatid ang saya.

"Bakit ba kasi ang tagal mo riyan, ano ba ang ginagawa mo?" Hindi nakatiis na tanong nito sa kapatid.

"Inaayos ko lang ang problema sa lupain nila Mama, Ate." Masigla pa rin na sagot nito mula sa kabilang linya.

"Sige, ipagdasal ko na maayos na ang problema ninyo riyan. Mag-ingat ka palagi!" hindi na nito sinumbatan ang kapatid tungkol sa pakipagkita sa amo niya nakaraang araw pero sa kanya ay hindi. Naisip na kaya marahil pumayat ayon sa lalaki ay dahil may trangkaso ang kapatid at stress sa problema nito ngayon.

"Thank you Ate, ikaw rin mag-ingat diyan at huwag pabayaan ang kalusugan. Mahal na mahal kita Ate!"

Nakaramdam ng kakaiba si Joy sa mga bilin ng kapatid. Napadalas ay palagi itong nagbibilin sa kanya na para bang mawawala ng mahabang panahon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.