Chapter 16: Honeymoon
"I'm sorry!" tanging nasambit ni Jinky habang umiiyak. Sobra siyang nabulag dahil itinanim na sa isipan na tanging ito lang ang kaniyang mahal. Hindi niya pinakinggan ang tunay na tibok ng kaniyang puso nitong mga huling buwan. "Hijo, tama na at huwag mo na aksayahin ang oras mo sa babaeng iyan." Mahamig din sa tinig ng ginang ang galit para kay Jinky.
"I'm sorry po, Tita!" Nakayuko ang ulo at hindi magawang salubongin ang nang-uusig na titig ng ina ni Yosef.
Tumawa ng mapakla si Yosef at napabuga ng hangin sa bibig. Para siyang nabunutan ng tinik ngayon sa dibdib. Pero nang maalala si Joy ay muling bumigat ang kaniyang pakiramdam. Bago umalis ay nag-iwan muna siya ng isa pang salita. "Oo nga pala, salamat at nagpakalalaki ka ngayon." Pangungutya niya kay Jano. Hindi niya makalimutan kung paano nito binalak na ligawan si Joy.
Kung ganoon ay pakana lahat iyon ni Jinky. Ang sirain sila ni Devine Joy gamit ang lalaking ito. Kung hindi lang buntis si Jinky ay gusto niya itong turuan ng leksyon. May mali rin naman siya, pumasok siya sa isang relasyon na hindi kinikilala ang mga taong nasa paligid ng babae.
"Magdasal kayo na tatanggapin pa ako muli ni Joy, dahil kung hindi ay gugulohin ko ang buhay ninyong dalawa!" Banta ni Yosef sa dalawa bago tuloyang iniwan ang mga ito kasama ang kaniyang ina. Dala ang pag-asa at masaya na pumunta ng kumbento ang mag-ina upang makausap si Joy at ang mga Madre. Nagpaiwan si Yosef sa labas at ang ina niya lang ang pumasok sa loob ng silid ng dalaga. "Hija, kausapin mo na ang anak ko. Hindi ka ba naawa sa kanya? Tignan mo ang hitsura oh."
Napasunod ang tingin ni Joy kung saan nakatingin ang ginang. Naroon sila ngayon sa terrace nag-uusap kaya tanawa nila ang bakuran. Mula doon ay nakikita niya ang malungkot na mukha ni Yosef habang nakatanaw sa malayo.
"Saka baka totohanin niya ang balak na pagpa-pari eh lalo lamang dadami ang makasalanan sa mundong ito kapag nagkataon." May himig biro na ani ni Meldred at kasamang pangonsensiya na rin nito sa dalaga.
"Sigurado po ba kayo na hindi talaga siya ang ama ng bata?" Nahihiyang tanong nito sa ginang. Halos maiyak siya sa tuwa nang malaman ang katotohanan, dininig ng nasa itaas ang kanyang dasal.
"Yes, kaya huwag mo na siyang tiisin, Hija. Mahal na mahal ka ng aking anak at ngayon lang iyan nagkaganyan nang dahil sa babae." Panunuyo ng ginang sa dalaga.
Napayakap si Joy sa ginang dahil tanggap siya nito na maging kapamilya at kabiyak ng puso ni Yosef. Mula sa kinaupuan nila ay tanaw niya ang binata sa labas. Ilang araw lang silang hindi nagkita pero halatang bumagsak ang pangangatawan nito. Nalaman niya na pinananayaan nito ang sarili maging ang trabaho dahil sa kaniya.
"Salamat po!"
"Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo, Hija. Salamat at dumating ka sa buhay ng anak ko at tinugon ang pagmamahal niya sa iyo sa kabila ng hindi niya magandang ugali."
Napangiti si Joy sa ginang, alam nito kung gaano kaloko ang anak nito sa babae. Matapos nilang mag-usap ay nagpasya siyang lumabas na. Tahimik na nilapitan ang binata na ngayon ay kausap na ang isang bata.
"Sige na, baby, sabihin mo kay Mama Joy na umuwi na sa bahay kasama ka."
Hamig ni Joy ang lungkot sa boses ng binata habang kausap ang batang walang muwang.
"Uutosan mo pa iyang anak mo na utal kung magsalita." Kunywaring galit na sita nito sa binata.
"Love!" Agad na tumayo si Yosef at sinalubong ng mahigpit na yakap ang babaeng pinakamamahal.
"Patawarin mo na ako, love, hinding hindi na talaga ako titikim ng ibang putahe. Ikaw na lang ang kakainin ko hanggang sa pagtanda natin!"
Pakiramdam ni Joy ay namula pati talampakan niya sa hiyang nadarama dahil sa binitiwang pangako ng binata. Naalala ang sinabi nito na kakainin siya sa araw ng kanilang honeymoon.
"Ang bibig mo, baka may makarinig sa iyo!" Nakasimangot na tinampal ang bibig ng binata.
"I love you!" Sa halip ay sagot nito at ninakawan siya ng mabilis ma halik sa labi.
Pinandilatan niya ito ng mga mata pero ngumiti lang ito. Kahit kailan ay ang bilis ng bibig nito. Kahit papaano ay nasanay na rin naman siya sa kamanyakang salita na lumalabas sa bibig nito.
"I miss you so much, manang, huwag mo na ako ulit taguan ha?" Parang bata pa ito na nakiusap sa kanya habang nakayakap ng mahigpit sa kanyang beywang.
"Hindi ka na magpa- Pari? mapanudyo ang ngiti na tanong nito sa binata.
"Kapag nag madre ka, magpa-pari ako para magkasama pa rin tayo." Nakangising tugon niya sa dalaga.
Pareho pa sila nagkatawanan sa isipin kung ano ang maging hitsura nila kapag natuloy ang balak. Tama ang ina nito, dadami ang magkaroon ng kasalanan lalo na ng kababaihan kapag ito ang naging pari. Bukod sa pagnanasaan lang ang binata ay hindi rin ito mabuhay na walang babae sa tabi nito tuwing gabi.
Nang araw ding iyon ay sumama na si Joy sa mag-ina at itinakda ang kanilang kasal sa loob lamang ng isang buwan dahil iyon ang gusto ng binata.
Kahit hindi pa ganoon kalakas si Marie ay nag-request siya sa kaniyang doctor na kung pwede siya bumeyahe pauwi upang maka atend sa kasal ng kakambal. Siya ang masaya higit kanino man para sa dalawa dahil natupad ang nais niya na magkatuloyan ang mga ito. May bunos pa dahil binigyan siya ng ikalawang buhay ng amang makapangyarihan.
"Love, hindi ka na ba talaga magpapalit ng damit?" pangatlong tanong na iyon ni Yosef sa dalaga na tanging irap lamang ang sagot sa kanya.
Mula nang sumama ito sa kanya ay nagbago na ito ng ayos at pananamit. Torture para sa kanya ang nakikita itong sexy lalo na kapag nakasuot lamang ito ng maiksing short at hanging blouse tulad ngayon.
Lihim naman na nagdidiwang ang pilyang puso ng dalaga sa nakikitang selos sa mata ng binata sa tuwing may mapatingin sa kanya na lalaki. Kahit sa bahay lamang ay dumadaing ito sa kanya dahil natutukso umano ito na mag-advance sa kanilang honeymoon. Naka leave siya bilang secretary nito at ayaw din nito siya palitan dahil nais ng binata na lagi siya kasama kahit sa trabaho.
Kahit magkasama na sila ng bahay ay nagtitimpi si Yosef na angkinin siya. Ang kapatid ay parating na rin at excited siyang makita itong muli.
Naging magarbo ang kasal at si Divine Joy ang pinakamagandang babae nang araw na iyon. Ang damit ay pinagawa pa sa isang sikat na designer from Italy.
"Happy?" Malapad ang ngiti ni Marie na nakaupo sa upuang de gulong. May suot itong salamin at saklob sa ulo na bumagay naman dito dahil hindi pa tuloyang lumago ang buhok.
"Sobrang saya ko dahil magaling ka na at salamat sa ginawa mo kung bakit kami nagkakilala ni yosef!" Mahigpit na niyakap nito ang kapatid at lumuhod upang magpantay sila. Tapos na ang kasal at hindi pa rin tapos ang pagdiriwang sa reception. Naroon din ang mga madre at mga bata na kinupkop ng kumbento.
"Pwede ko na bang mahiram ang ate mo?" Nakangiti na inalaayan nito ang asawa na makatayo.
"Kuya!" Nakakaloko ang ngiti ni Marie nang tawagin nito ang binata. Ang lalaking dati ay pinipilit pa niya na alagaan ang kanyang kapatid. Tinaasan ni Yosef ng kilay ang babaeng hipag na niya ngayon. Ang awkward lang at kuya na ang tawag nito sa kaniya.
"Hindi mo na kailangan sabihin, iingatan ko siya ng buong puso at mamahalin habang buhay." Sansala ni Yosef sa iba pang sasabihin ni Marie.
Natawa na lang si Marie nang tinakas na ni Yosef ang kanyang kapatid mula sa mga bisita nito. Muli niyang inilibot ang paningin sa paligid, hindi niya kilala ang ilan sa bisita nila Yosef. Hindi rin siya napapansin ng mga naroon dahil ayaw niyang makaagaw pansin sa mga ito. Nakiusap siya sa kapatid na huwag na siyang pormal na ipakilala sa mga bisita dahil sa kaniyang kalagayan.
Luminga si Mark sa paligid at hinanap sina Yosef upang magpaalam na sana. Nang hindi na mahanap ang mga ito ay napailing na lamang siya habang nakaangat ang isang sulok ng kaniyang labi. Muling nagawi ang tingin niya sa babaeng naka upo sa wheelchair. Halos labi lang nito ang kaniyang nakikita at alam niyang iyon ang kapatid ni Joy. Lalapitan niya sana ito ngunit itinulak na ng nurse ang upuang de gulong nito papasok ng kabahayan.
Sa isang 5 star hotel ginanap ang unang araw nila Yosef bilang mag-asawa. Ayaw lumayo ng kaniyang asawa dahil inaalala pa rin nito ang kalagayan ng kapatid nito.novelbin
"Love dahan-dahan!" Reklamo ni Yosef ng kuskusin ni Joy ang kanyang likod. Pinapaligouan siya nito sa bathtub pero gumagamit ng tabo.
"Huwag ka ngang mareklamo, hindi kita tutulongan makaraos mamaya kapag ako nainis sa iyo." Banta ni Joy sa asawa.
Lalo lamang napasimangot si Yosef dahil pinaalala pa sa kanya ang bagay na matagal na niyang kinasasabikan mangyari sa kanila. Ngayon ang pulo't gata nila ngunit si mariyang palad na naman ang kanyang karamay ngayon dahil may monthly period ang asawa.
"I love you, Love!" Paglalambing ni Joy sa asawa nang mapansin na nanamlay ito at alam niya kung bakit.
"I love you too!" Biglang nanumbalik ang sigla niya nang marinig ang matamis na salita mula sa kanyang pinakamamahal na asawa. Magtitiis muna siya ngayon, ang mahalaga ay asawa na niya ito.
Mga sumunod pa nilang araw sa hotel ay inilaan nila sa pamamasyal at kung ano pang nais ng dalaga. Kuntinto na sa ganoon si Yosef as long na nakikitang masaya ang dalaga na ngayon ay asawa na niya.
After honeymoon nila ay nawala namang nangyari ay nilakad niya agad ang papel sa pag-ampon sa batang si Charisse.