Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 13: Ang banta



KUMAKABOG ang dibdib ni Divine Joy habang naglalakad papasok sa building na pinagtatrabahuhan. Halos wala siyang tulog kagabi dahil sa nangyari sa kanila ng binata. Lihim nagdadasal na sana ay nauna siyang pumasok sa lalaki.

"Hi!"

Napalingon si Joy nang may magsalita sa kanyang likuran habang naglalakad. Bahagya niyang binagalan ang hakbang upang kilalanin ang bumati sa kanya.

"Ako nga pala si Jano, a new hired engineer in this company." Pakilala nito sa dalaga nang magkaharap na sila.

"Divine," ngumiti si Joy. "Sa opisina ba ni Sir Yosef ang punta mo?"

"Yes, nakita ko na iisa ang pupuntahan natin kung kaya makisabay na ako."

"Ako ang secretary ni Sir," pagbigay alam nito sa kausap. Patuloy sila sa marahang paglakad habang nag-uusap.

"Nice to meet you, Divine, hope to see you again?" Inabot pa nito ang kamay sa dalaga. Kahit may suot na salamin ito ay aninag niya ang magandang mata ng dalaga. Kakaiba ang ganda nito na hindi mapansin kung hindi pakatitigan dahil sa suot na salamin.

"Hindi mo na kailangan makipagkamay, pumasok ka na sa loob ng opisina ko." Maangas na wika ni Yosef sa bagong empleyado. Kanina pa siya roon naghihintay sa dalaga sa harap ng table nito.

Napayuko ng ulo si Joy nang masalubong ang nagbabantang tingin ni Yosef. Nainis din siya dito dahil napaka arogante nito makipag-usap sa bagong kakilala.

Tinapunan muna ng tingin ni Jano ang dalaga bago pumasok sa loob. Nagpaiwan si Yosef at hinarap ang dalaga.

"Inumin mo na iyang kape bago pa lumamig." Ininguso nito ang isang tasa na nakapatong malapit sa computer.

"Bakit ganoon ka makipag-usap doon sa tao?" Nakasimangot na sikmat nito sa amo. Sinulyapan ang kape na amoy palang ay alam na niya na iyon ang gusto niyang inumin. Nakalimutan niya bigla na dapat niya itong iwasan. "Lahat ng makipaglapit sa iyo ay tatratuhin ko ng ganoon, kung ayaw mo ako maging masama sa harap ng iba, iwasan mo sila."

"Ikaw-uhmmpp!" hindi na naituloy nito ang iba pang sasabihin nang bigla siyang halikan ng binata sa labi.

"Good morning!" Nakangisi na bati nito matapos igawad ang mainit na halik sa dalaga.

"Damuho ka talaga!" Mangiyak-ngiyak si Joy na nagpapadyak ng paa dahil sa inis sa binata. Hinalikan na naman siya nang walang paalam. Nakalayo agad ito sa kanya at basta na pumasok sa loob ng opisina nito.

Hawak ang labi at tulalang nakatingin sa nagsarang pintuan. Nagulat pa siya nang muling bumukas ang pinto makalipas ang isang minuto at niluwa niyon si Jano.

"Tapos na? may pagtatakang tanong dito ni Joy.

"Yeah, may pinasa lang ako kay Sir." Nakangiti na sagot ng huli.

"Aalis na ako, see you around!" Kumaway pa ang binata sa kanya bago umalis.

"Mas guwapo ako doon."

"Hindi ko tinatanong!" nakasimangot na baling nito kay Yosef na nasa harapan na naman niya ngayon.

"Ang sungit mo naman, naglilihi ka na ba sa maging first baby natin?"

"Magnanakaw!" gustong kalmutin ni Joy ang mukha ng binata dahil sa mapang-asar na ngiti nito. Ngunit nanghihinayang naman siya na bangasan ang poging mukha nito.

"Ang dami mo naman binibintang sa akin, baka makulong na ako ng tuluyan sa puso mo at walang piyansa." Lalong lumapad ang pilyong ngiting nakapaskil sa labi nito.

Napalabi siya sa mapanuksong biro ng binata. Alam talaga nito paano siya patahimikin gamit ang mga mabulaklak nitong salita. Hindi sa natutuwa siya sa ganoong istilo ng binata. Napipilan lamang siya at naiilang kaya mas minamabuti na lamang na manahimik upang tumigil ito. Napalinga si Joy sa paligid at baka may nakakapansin sa pagiging malapit sa kaniya ng binata. Mabuti na lang at malayo ang pwesto ng ibang trabahante doon at walang naglalakas loob na pag- chismisan siya.

Naputol ang pag-uusap nila nang tumawag ang ina ng binata mula sa America. Parehong nawala na sa isip nila ang kalagayan ni Marie doon dahil sa kakulitan ni Yosef.

Pareho silang nakahinga nang maluwag nang ibalita ng ginang na tagumpay ang operasyon at ligtas na sa kamatayan ang kapatid. Napayakap pa siya sa binata dahil sa sobrang tuwa. Hindi na rin niya ito muling inaway nang nakawan na naman siya ng halik bago nag-umpisa ng trabaho.

...

"NAGAWA mo ba?" tanong agad ni Jinky kay Jano nang magkita sila kinagabihan sa bahay ng binata.

"Yes, nakilala ko na rin siya." Si Divine ang tinutukoy nito. Si Jinky ang may gusto na doon siya magtrabaho at makipaglapit sa secretary ni Yosef. Mahal niya ito at hindi mapaghindian ang hiling lalo na kapag naglambing sa kanya at nauuwi pa sa mainit na pagniniig. Pagbigyan niya muna ito hanggang sa ma-realize nito na siya ang lalaki na nararapat para dito.

"Thank you!" Mapang-akit na ngumiti siya sa kaibigan habang hinahaplos ang pisngi ng binata. Hindi rin nito maintindihan ang sarili dahil sa tuwing nakikita ang binata ay naaalala ang nangyari sa kanila at gusto niyang maulit muli. Wala ng ibang salita namutawi sa labi ni Jano. Agad na hinalikan ang kaibigan at kinabig sa batok palapit sa kanya. Hindi naman siya nabigo dahil agad na gumanti ng halik ang dalaga.

May pagmamadali na binuhat ito at dinala sa sariling silid. Walang inaksayang oras na hinubad ang damit ng bawat isa. Kahit ilan ulit na rin sila nag-isang katawan ay hindi nagsasawang titigan ni Jano ang magandang katawan ng kaibigan. Halos sambahin niya ito habang hinahaplos ang dalawang matayog na kayaman nito.

"Ohhhh Jano!" Jinky moan, napataas ang ibabang parte ng katawan nang laruin ng kamay ng binata ang kuntil ng kanyang hiyas.

"I love you! Paanas na bulong ni Jano bago tuluyang inangkin ang dalaga. Kahit walang tugon ang kanyang pag-ibig dito ay masaya na siya na kusang bumibigay ang katawan ng dalaga sa kanya.

"Ahhhh move faster and make it harder, Jano!" Halinghing ni Jinky nang marahan lamang gumalaw sa kanyang ibabaw ito na tila tinatakam siya.

"Be patient, Honey!" Nakangising tugon ni Jano at nilaro ang korona na nasa ituktok ng malusog na kayamanan ng dalaga. Bawat hugot sa sandata ay napapasunod ang katawan ng dalaga sa kagustohan na madama siya ng buo sa loob. "F*ck you!" Nanggigil na tinulak ni Jinky ang kaibigan at siya na ang nasa itaas ngayon.

"Ahh shit!" Napamura sa sarap si Jano nang biglang binaon ni Jinky ang naghuhumindig niyang sandata sa kaibutoran ng perlas nito.

"Ahhh ahhh uhmm!" Malakas na ungol ni Jinky habang mabilis na umiindayog sa taas ng binata. Para siyang nakipagkarera tulad ng sa kabayo na kailangan maabot ang finish line.

Hindi pumayag si Jano na ang babae lang ang pakapagod sa paggalaw kung kaya binuhat niya ito at pinahiga muli. Ngunit mas gusto ng dalaga ng ibang style. Padapa itong pumuwesto sa harap ng binata. Matikas na umabante si Jano at walang humpay na umatras at abante sa madilim na kweba hanggang sa sabay nila narating ang luwalhati na dulot ng init ng kanilang katawan.

Doon na nagpalipas ng gabi si Jinky dahil humirit pa ng isa si Jano na gusto din naman niya.

"Gusto kong paibigin mo ang babaeng iyon sa iyo upang hindi na magka-interest pa kay Yosef," ani Jinky habang nilalaro ang munting balbon sa dibdib ng binata.

Napabuntonghininga si Jano bago tumango. Ayaw niyang sirain ang mood ng dalaga kung kaya lahat ng sinasabi nito ay sinasang-ayunan niya. Nasasaktan siya sa isiping ginagamit siya nito dahil sa pagmamahal sa lalaking iyon. Pero wala siyang magawa, sapat na sa kaniya na maangkin ito kung gustohin niya hanggang sa matutunan din siyang mahalin.

"Makalimutan mo rin ang lalaking iyon at mabaling sa akin ang puso mo." Bulong ni Jano nang mapansin na tulog na ang kayakap. Natulog na rin siya na may ngiti sa labi.

Araw ng linggo ay sinamahan ni Yosef si Joy na dumalaw sa Kumbento. Ayaw sana ng dalaga dahil baka kung ano ang isipin ng mga madre ngunit naging mapilit ang binata. Namili pa ito ng maraming pasalubong para sa mga bata at pagkain. Walang linaw ang kanilang relasyon ngunit nasanay na rin siya sa pagiging possessive nito sa kaniya.

"Naku, mukhang nagbago na ang nais ng puso ng ating panganay na anak, Mother Theresa?" Nakangiti na saad ng isa sa kasama nito na Madre habang nakatingin kina Devine Joy at Yosef. Masaya ang mga ito habang nakikipaglaro sa mga bata.

"Marahil ay ito ang kanyang kapalaran, maging masaya na lang tayo para sa kanya. Nakangiti rin na tugon ni Mother Theresa.

"Mama!"

Sabay na napalingon ang dalawa nang magsalita ang pinakamaliit na bata sa umpokan. Nagpapakarga ito kay Joy.

"Mama? Aba may anak na pala tayo dito." Nakangisi na wika Yosef at masaya na kinarga ang bata. Ang cute nito at nakaramdam ng awa sa kaalamang inabandona ito ng sariling Ina.

"Ako na ang kinikilala niyang ama mula ng matuto siyang magsalita."

Hello Baby, ako ang Daddy mo!" Hinalikan nito sa pisngi ang bata na nagkakawag dahil sa tuwa.

"Hoy, ano ang pinagsasabi mo riyan sa bata?" Hinampas nito sa balikat ang binata.

"Ampunin nalang natin siya para makasama mo sa labas ng Kumbento."

Napakurap si Joy na nakatingin sa binata. Hindi niya akalain na may malambot itong puso sa mga bata. Biglang bumilis muli ang tibok ng kaniyang puso sa isiping magsasama sila na parang mag-asawa kasama ang kanyang ampon na si Charise.

"Hindi ka nagbibiro?" hindi makapaniwala na tanong niya dito.

"I'm serious, gusto ko na ako ang kilalanin niyang ama at ikaw ang ana." Seryoso ang mukha nito na nakatingin kay Joy.

"Pero hindi naman tayo mag-asawa kaya-"

"Magpakasal tayo para maging asawa na kita at maging legal parents niya."

"Mag ma-madre ako," may pag-alinlangan na sagot ng dalaga dito.

"Nahalikan na kita kung kaya hindi ka na pwede maging madre." Nawala ang kaseryosohan nito at pumalit ang kapilyohan.

Pinanlakihan ito ng mata ni Joy at napalinga sa paligid kung may nakarinig ba sa sinabi ng binata.novelbin

"Next time bubuntisin na kita para siguradong maging asawa na kita." Dugtong pa nito.

"Ang halay mo, nasa loob tayo ng kumbento!" Tinakpan nito ng kamay ang bibig ng binata. Ang batang karga nito ay parang nakikiliti at tumawa habang nakatingin sa kanilang dalawa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.